Pagtatayo ng DENR ng marine research stations sa West Philippine Sea at Benham Rise, popondohan ng Senado

Susuportahan ng Senado ang plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magtayo ng marine research stations sa West Philippine Sea at Benham Rise o Philippine Rise.

Dahil dito, pabibigyan ng Senado ng P600 million na pondo ang DENR para sa pagtatayo ng naturang research stations.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sinusuportahan nila ang pagtatayo ng marine research stations para sa pagsasaliksik ng marine environment ng bansa at makatulong sa mga siyentista at mga mangingisda na protektahan ang yamang-dagat.


Hinikayat din ni Zubiri ang DENR na resolbahin din ang mga isyu ng reclamation projects na walang takot at walang pinapaburan.

Para sa 2024, aabot sa P24.5 billion ang proposed budget ng DENR.

Facebook Comments