Pagtatayo ng elevated walkway sa EDSA, isinusulong

Mas magiging maginhawa na ang pagko-commute ng mga pasahero sa Metro Manila kapag naaprubahan ang pagtatayo ng elevated walkways sa EDSA.

Target nitong i-ugnay ang mga terminal at istasyon ng MRT-3 at LRT-2.

Ang EDSA Greenways Project ay popondohan mula sa pautang ng Asian Development Bank.


Tinatayang nagkakahalaga ang proyekto ng $100 million.

Itatayo ito sa apat na lokasyon sa EDSA, partikular sa Balintawak, Cubao, Guadalupe, at Taft Avenue.

Tatlong beses itong mas malapad kumpara sa kasalukuyang footbridge.

Maliwanag din ang lakaran, may mga halaman at may escalator para sa mga senior citizen at PWD-friendly.

Pero bago maitayo ang proyekto, kailangan muna itong aprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA.

Facebook Comments