Inaabangan sa Kamara ang pag-apruba sa pinal na pagbasa ng panukala na naglalayong magtayo ng evacuation centers sa bawat syudad at munisipalidad.
Ito ay matapos makalusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8990 na titiyak sa kaligtasan ng mamamayan tuwing may emergency o disaster sa bansa.
Sa oras na makapagtayo na ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad ay maiiwasan na ang paggamit sa mga paaralan at mga private facilities bilang temporary evacuation centers.
Tinitiyak sa ipapatayong mga evacuation centers na matutugunan ang pangangailangan ng mga ililikas lalo na ang mga senior citizens, mga bata, mga may kapansanan, mga buntis at mga may sakit.
Mayroon ding sleeping quarters, shower at toilet facilities, food preparation areas, emergency exit doors, trash at waste segregation areas, health care area at iba pa.
Itatayo ang mga evacuation centers sa mga accessible areas upang agad na mapuntahan sakaling kailanganing lumikas agad ng mga residente.