Pagtatayo ng Global Maritime Hub, hiling ng MARINA

Inirekomenda ng pamunuan ng Shipyards Regulation Service (SRS) ng Maritime Industry Authority o MARINA ang paglalagay ng Global Maritime Hub sa bansa.

Sa katatapos na coordination meeting ng MARINA at Philippine Economic Zone Authority (PEZA), hiniling ni Engr.  Ramon Hernandez ng SRS ang ibayong suporta para sa paglago ng Maritime industry.

Sa naturang pulong, prinesenta ni Hernandez ang paglalagay ng Global Maritime Hub na magiging One-Stop Maritime destination sa rehiyong Asya.


Ayon kay Hernandez, ang Global Maritime Hub ay panlima sa Priority Program ng Maritime Industry Development Plan o MIDP na dito ang SRS ay chief planner at tagapagpatupad.

Kasabay nito ay umapela ang MARINA para sa mga karagdagang insentibo para sa Ship Building and Ship Repair o SBSR  upang mapaunlad ang investment climate sa sektor ng  Maritime industry.

Upang maengganyo ang maraming investor na mamuhunan sa  Ship Building and Ship Repair, nais ni Hernandez na magtakda ng  incentives para sa  Non-PEZA-Registered Shipyards, lalo na ang Duty-Free na importasyon ng SBSR facilities at mga kagamitan.

Sa record, noong 2016, kumita ng isa punto anim na bilyong dolyar  ang SBSR Sector habang patuloy  ang pag-cater nito sa iba pang industriya gaya ng Pamamalakaya kung saan tinatayang 1,179 na nagawang bangka noong 2018.

Facebook Comments