PAGTATAYO NG GUSALI PARA SA BUSINESS ONE STOP SHOP SA ASINGAN, ISINUSULONG

Pagpapatayo ng isang gusali para sa Business One Stop Shop ang isinusulong ngayong sa bayan ng Asingan upang agarang maibigay ang serbisyo sa negosyo ng mga nagnenegosyo sa bayan.

Naglalayon itong mapabilis pa at mas simplehan ang proseso ng pagnenegosyo sa nasabing bayan.

Isa rin ito sa nakikita ng alkalde upang mapalakas pa ang ekonomiya ng bayan gamit ang pagkakaroon ng centralized na gusali at dito na ipoproseso ang mga kinakailangan ng mga nais mag-negosyo at ng mga negosyante na.

Magsisilbing pangunahing opisina ang nasabing pasilidad para sa Business Permits and Licensing Office (BPLO), Municipal Treasurer’s Office, Municipal Planning and Development Office, at iba pa.

Kung sakali, hindi na mahihirapan pang magpaikot-ikot ang mga nagnenegosyo dahil iisang lugar na lamang ang mga tanggapan na may kinalaman sa pagnenegosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments