Pagtatayo ng gusali para sa Philippine Heart Center Annex sa Clark Pampanga, inutos na ni PBBM

May direktiba na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na simulan ang pagtatayo ng Philippine Heart Center Annex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, layunin ng hakbang na ito ng pamahalan ay upang mas makapagbigay ng quality healthcare sa mga Pilipino kaya pinirmahan ng pangulo ang Executive Order No. 19 noong March 8, 2023.

Nakasaad sa EO na karamihan sa mga Pilipino na nakararanas ng cardiovascular diseases ay bumabiyahe pa sa Metro Manila para makapagpagamot sa Philippine Heart Center.


Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang cardiovascular diseases ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino as of October 31, 2022.

Sa EO, inaatasan ang pangulo na i-manage ang Philippine Heart Center at baguhin ang kasalukuyang hospital development plan kabilang na ang proposed programs and initiatives para sa Philippine Heart Center Clark, na naayon sa Philippine Health Facility Development Plan 2020-2040.

Ang Philippine Heart Center ay itinatatag sa ilalim ng Presidential Decree No. 673 noong taong 1975.

Ito ang nag-iisang specialty hospital sa bansa na nagbibigay ng specialized medical services sa mga Filipino na nakakaranas ng cardiovascular diseases.

Facebook Comments