Pagtatayo ng health centers sa bawat barangay, hiniling ng isang senador

Inihirit ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagtatayo ng health centers sa bawat barangay.

Giit ng senador, tulad sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na mga specialty hospital ay pareho ring mahalaga ang pagtatayo ng mga health center na nakasentro naman sa kalusugan ng mga tao at hindi sa mga sakit.

Tinukoy ni Cayetano na 47.2 percent ng mga barangay sa buong bansa ay walang health centers.


Dagdag pa ng senador, sa kabila ng mga inilalaang pondo ay hindi naman nababawasan ang gap pagdating sa kakulangan ng mga barangay health center.

Aniya pa, maganda naman na dumami ang mga city hospital, municipal at district hospitals subalit ang pinaka-basic o pangunahin na primary health centers ay napag-iiwanan.

Mahalaga aniya na makabuo ang Department of Health (DOH) ng plano para makapagpatayo ng health centers na kumpleto sa pasilidad upang magkaroon ng matatag na pundasyon sa primary healthcare system ng bansa.

Facebook Comments