Pagtatayo ng Heart Center sa Clark, sisimulan na

Nakahanda na ang groundbreaking sa July 17 para sa Clark Multi-Specialty Center.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na mayroon nang lupa mula sa Clark Development Corporation na pagtatayuan ng ospital.

Habang mayroon na ring mga nakalatag na plano at design.


Sinabi ni Herbosa, by phase ang gagawin dito kaya magsisimula muna bilang general hospital hanggang sa maging children’s specialty hospital saka tuluyang maging heart at kidney specialty kagaya ng mayroon sa Quezon City.

Kapag natapos, ito ang magiging specialty hospital para sa Central at Northern Luzon para sa mga maysakit sa puso, baga, bato at maging cancer.

Ayon pa sa kalihim, itatayo ang ospital sa pamamagitan ng public-private partnership.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng Philippine Heart Center Annex sa Clark para mailapit sa mamamayan ang magandang serbisyong pangkalusugan.

Facebook Comments