Isinusulong ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagkakaroon ng iisang disensyo na lamang ng mga korte sa bansa.
Ito ay para kaagad na ma-recognize ng publiko ang mga hukuman.
Ayon sa punong mahistrado, kabilang din sa priority agenda ng hudikatura ang pagtatayo ng mga korte sa mga malalayong lugar at ang pagkukumpuni ng mga sirang gusali ng mga hukuman sa bansa.
Gayunman, kailangan aniya munang magpasa ng batas ang Kongreso dahil kailangan ng sapat na pondo para maisagawa ang naturang mga proyekto.
Facebook Comments