Ito ay upang matugunan ang kakulangan ng paaralan at maitaas ang kalidad ng edukasyon sa sakop nito.
Ayon sa Kongresista na dating alkade ng Santiago City, nakipag ugnayan na aniya ito sa Central Office ng Department of Education (DepEd) para sa plano nitong pagpapatayo ng mga bagong eskwelahan sa mga lugar na sakop ng ika-apat na Distrito ng Isabela.
Umaasa naman ito na matutugunan ito sa lalong madaling panahon lalo na at bumalik na ang face to face classes.
Samantala, kasama rin sa tututukan ni Congressman Tan ang pabahay sa nasasakupan nito upang magkaroon ng sariling tirahan ang mga pamilyang walang maayos na bahay o informal settlers.
Nangako naman aniya ang Department of Human Settlement and Urban Development sa ilulunsad nitong Housing Project kung saan hinihintay na lamang ang kanilang pagpunta sa Lungsod ng Cauayan para sa gagawing ground breaking ceremony.
Tiniyak din ng Kongresista na maibigay ng patas sa kanyang mga programa sa mga bayan na sakop ng 4th District ng Isabela.