Mas maraming COVID-19 facilities ang handang punan ang demand para sa healthcare utilization.
Ayon kay Department of Public Works and Highways at Isolation Czar Secretary Mark Villar, ang Quezon Institute sa Quezon City ay mayroon ng pasilidad na para tumanggap ng mga pasyenteng kailangang sumailalim sa isolation at treatment.
Mayroon itong state-of-the-art equipment at facilities na i-o-operate ng mga medical personnel ng Jose Reyes Memorial Medical Center.
Sinabi naman ni DPWH Undersecretary at Task Force Head Emil Sadain, dalawa pang modular units na may 44 beds ang inaasahang matatapos at handang i-turn over sa February 15, 2021.
Ang ikalimang unit ay sasailalim sa modification works.
Ang DPWH ay nakapagtayo na rin ng dalawang dormitory na may 64 na kama sa house healthcare workers na magmamando ng operasyon.
Sa ngayon, mula sa target na 720 healthcare facilities sa buong bansa, 538 facilities na may 20,300 bed capacities ang nakumpleto na habang ang 182 facilities na mayroong 6,200 beds ay matatapos sa mga susunod na linggo.