Pagtatayo ng karagdagang quarantine facilities, pinag-aaralan na ng PNP

Inaaral na ngayon ng Philippine National Police ang pagtatayo ng karagdagang quarantine facilities.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Guillermo Eleazar, kinokonsidera kasi nila ang posibilidad na ma- “overwhelm” ang kanilang existing quarantine facilities kapag tuloy-tuloy ang pagtaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa hanay ng PNP.

Aniya, mismong si PNP Chief PGen. Debold Sinas ay naka-quarantine ngayon sa Kiangan Treatment facility day Camp Crame.


Sa ngayon ay umakyat sa 918 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP mula sa mahigit 600 lang noong nakaraang linggo, kung saan 37 ang nasa mga ospital at 881 ang nasa mga quarantine facilities.

Kahapon ay nakipagpulong si Gen. Eleazar sa mga senior commanders ng PNP para pag-usapan ang mga pamamaraan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Ilan sa napagkasunduan ang pagbabalik ng strikong health protocols sa mga kampo ng pulis at ang paglimita ng mga bisita sa kampo sa mga official visitors lang.

Facebook Comments