Pagtatayo ng maliliit na dam ang nakikitang solusyon ng Water for All Refund Movement o WARM para mawala ang agam-agam ng mga katutubo na malubog ang kanilang komunidad sa pagtatayo ng China-funded na Kaliwa Dam.
Ayon kay RJ Javellana, convenor ng Water for All Refund Movement (WARM), suportado nila ang mga alternatibong paraan para sa pangmatagalang solusyon sa nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig.
Aniya, matagal na nakalatag ang mga plano sa itatayong water project pero nababalam dahil sa isyu ng bilyun-bilyong koleksyon pero walang nangyayari sa mga new replacement project.
Pero, para matupad ito, dapat may isaalang-alang ang gobyerno na ilang bagay.
Una, ani Javellana, dapat na magkaroon ng isang tunay na regulatory body at isang sistema ng auditing.
Pangalawa, dapat na mga patriyotiko o may pagmamahal sa bayan ang iupo sa mga key utilities sa bansa.