Manila, Philippines – Good news, sisimulan na ng pamahalaan ang 106-kilometers na Manila-Clark Railway Project.
Sa Lunes, June 26, mamarkahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang unang limang istasyon ng nasabing proyekto.
Kabilang dito ang Tutuban, Valenzuela, Caloocan, Meycauayan at Marilao Stations sa Bulacan.
Layon ng nasabing proyekto na mapabilis sa 55 minuto ang biyahe mula Maynila patungong Clark.
Inaasahang makikinabang dito ang 350,000 na pasahero kada araw.
Target naman ng DOTr na pormal na masimulan ang konstruksyon sa 4th quarter ng kasalukuyang taon.
Facebook Comments