Pagtatayo ng Maritime Rescue Center ng China sa Kagitingan Reef, dapat iprotesta

Dapat daw umalma ang Pilipinas sa paninibagong reklamasyon ng China sa teritoryo ng bansa.

Inihayag ito ni Associate Justice Antonio Carpio sa pagtatayo ng Maritime Rescue Center ng China sa Fiery Cross o Kagitingan Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Iginiit ni Carpio na sakop ng Pilipinas ang Kagitingan Reef dahil ang Kagitingan Reef ay kasama sa Kalayaan Group of Islands.


Kung hindi anya ito ipoprotesta, nangangahulugan ito na kinikilala natin ang territorial right ng China sa lugar kung saan may soberanya ang Pilipinas.

Facebook Comments