Suportado ng Department of Justice ang mga panukala na magreresolba sa problema sa siksikan sa mga kulungan.
Sa harap ito ng mga panawagan na magtayo ng tatlong maximum penal institutions sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay isyu na lamang ng legislative priority na kadalasang naibibigay sa public works at education.
Sinabi pa ni Guevarra na maaari namang kunin ang pondo sa pagsasapribado ng mga property ng New Bilibid Prisons.
Facebook Comments