Pagtatayo ng medical school sa bawat rehiyon, isinulong ni Senator Villar

Sa Senate deliberation ng Senate Bill 1520 o Medical Scholarship Bill, ay isinulong ni Senator Cynthia Villar ang pagtatayo ng isang medical school sa bawat rehiyon upang mapabuti ang healthcare workforce sa bansa.

Nagulat si Villar nang malamang siyam lamang ang may medical school sa 114 State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.

Paliwanag ni Villar, kapag nagkaroon ng medical school ang 17 rehiyon ay makukuha ang target na 79,800 na mga doktor sa buong Pilipinas o ang ratio na 10 doktor sa bawat 10,000 katao.


Sabi ni Villar, kailangang makipagtulungan ang SUCs sa Department of Health (DOH)-operated hospitals para sa pagsisimula ng medical schools.

Sumang-ayon naman si Senador Joel Villanueva na siyang principal sponsor ng panukala na isama ang rekomendasyon ni Villar sa final version ng bill.

Facebook Comments