Pagtatayo ng mga istraktura ng Pilipinas sa Benham Rise, inirekomenda ng DFA

Manila, Philippines – Pinabibigyan ng prayoridad ng Department of Foreign Affairs ang pagtatayo ng  Pilipinas ng istraktura sa Benham Rise.

 

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, panahon na para palakasin ng gobyerno ang maritime security capability at maritime domain awareness capability.

 

Sa ganitong paraan aniya mamo-monitor ng mga otoridad ang mga aktibidad sa Benham Rise.

 

Magiging madali rin aniya ang pagprotekta at pagdepensa ng Pilipinas sa maritime zones nito.

 

Una nang kinuwestiyon ng DFA ang pagpasok ng survey vessel ng China sa Benham Rise na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Facebook Comments