Pagtatayo ng mga kulungan para sa heinous crime convicts, minamadali na ng DOJ

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na paigtingin at pabilisin ang planong paglilipat ng New Bilibid Prison (NBP) sa mga Regional Prison Facilities at magtayo ng hiwalay na pasilidad sa mga persons deprived of liberty (PDL) na hinatulan ng heinous crimes.

Sa inilabas na Department Order No. 208 series of 2024, nakasaad na bubuo ng Technical Working Group para sa programa.

Pamumunuan ito ni Justice Undersecretary Deo Marco kasama sina Director General Gregorio Catapang Jr., ng Bureau of Corrections (BuCor) at iba pang opisyal ng ahensiya.


Imbitado rin bilang external members ng bubuuing working group ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at United Nations Office of Drugs and Crime.

Target ng proyekto na itayo ang pasilidad sa mga isla o sa military establishment.

Magkakaroon din ng tatlong (3) pasilidad para sa high-level offenders na itatayo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Remulla, sa pamamagitan nito ay masisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at ang kapakanan ng mga nakapiit sa kulungan.

Facebook Comments