Hindi na kailangang magtayo ng mga malalaking pasilidad para sa energy storage system sa bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa pagdalo sa inagurasyon ng San Miguel Global Power’s Battery Energy Storage System sa Limay, Bataan.
Paliwanag ng pangulo, sapat na ang mga battery farms gaya ng San Miguel Global Power’s Battery Energy Storage System para masolusyunan ang problema sa enerhiya sa bansa.
Makakatulong ito ayon sa pangulo na mapataas ang power supply, mapababa ang cost of power at ma-improve ang pinaghalong traditional sources at renewable sources ng power sa Pilipinas.
Kaya giit ng pangulo mahalagang magkaroon ng mga battery energy storage system sa bansa dahil ito ay makakatulong para magkaroon ng sustainable energy sa hinaharap.
Dagdag pa ng pangulo ang battery energy storage system ay malinis, zero emission, zero water extraction, at hindi maingay.
Sa huli, nagpasalamat ang pangulo sa tulong ng mga pribadong sektor katulad ni San Miguel CEO Ramon Ang dahil masisimulan na ang San Miguel Global Power’s Battery Energy Storage System sa bansa.