Pagtatayo ng mga matitibay na evacuation centers, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Bunsod na rin ng malalakas na lindol kamakailan na naranasan sa Batangas at sa mga karatig na lugar, pinamamadali ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagpapasa ng evacuation centers bill.

Iginiit ni Zarate, Chairman ng House Committee on Natural Resources, na isa ang house bill 1763 sa dapat na isama sa prayoridad ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.

Dagdag into, kailangan na ng mga matitibay na evacuation centers dahil sa madalas na pagtama ng bagyo at napapadalas na rin ang paglindol.


Layon ng panukala na magtatag ng maraming evacuation centers sa iba’t ibang panig ng bansa na resistant sa lindol at malalakas na bagyo para matiyak ang kaligtasan ng mga magsisilikas na biktima ng kalamidad.

Dagdag pa ni Zarate, sa ganitong paraan ay maiiwasan na ang kasalukuyang sistema na ginagamit ang mga paaralan at multi-purpose halls bilang evacuation centers.
Nation”, Conde Batac

Facebook Comments