Inihain ni Manila Teachers PL Rep. Virgilio Lacson ang House Bill 2809 o “Philippine National Hospital for Teachers at Students Bill” na layuning magtayo ng pagamutan para sa mga guro at estudyante sa bawat rehiyon sa bansa.
Diin ni Lacson, dapat tiyakin ng estado ang kanilang kapakanan at kalusugan ng mga guro na maituturing na “bayani ng sektor ng edukasyon” at nagsilbi din silang “frontliners” ngayong COVID-19 pandemic.
Giit ni Lacson, malaking tulong sa mga guro ang pagkakaroon ng mga ospital na laan para sa kanila, kani-kanilang pamilya at sa mga estudyante.
Kapag naging ganap na batas ang panukala ni Lacson ay paglalaanan ng P20 billion ang inisyal nitong implementasyon.
Facebook Comments