Pagtatayo ng Moderna ng vaccine production facility sa bansa, welcome sa isang senador

Welcome development para kay Senator Christopher “Bong” Go ang planong pagtatayo ng vaccine production facility sa bansa ng pharmaceutical at biotechnology firm na Moderna.

Ayon kay Go, itinuturing niyang ‘vote of confidence’ ang hakbang na ito para sa gumagandang business climate ng bansa at expertise ng ating mga local medical science professional.

Ikinalulugod ng senador ang plano ng Moderna na ilagay sa Pilipinas ang kanilang shared service facility na kauna-unahan sa Asya at ikatlo naman sa buong mundo.


Aniya, bilang Chairman ng Senate Committee on Health, mahalaga na mapalapit sa mga tao ang serbisyong pangkalusugan na kinakailangan upang maging malusog, ligtas at produktibo ang mga kababayan.

Nagpasalamat din si Go kay Pangulong Bongbong Marcos sa patuloy nitong pang-e-engganyo sa mga dayuhang kompanya na mamuhunan sa bansa.

Nangangahulugan aniya na ang mas maraming investments ay mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Facebook Comments