Kinakailangang makapagpatayo ng Multi-Use Infrastracture at mapaganda ang weather forecasting sa bansa para masolusyunan ang mga pagbaha sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panayam sa event sa Zamboanga City.
Ayon sa pangulo, ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay magtutulungan para mas mapaangat o ma-improve ang weather forecasting sa bansa nang sa ganun ay mas makapaghanda sa panahon ng kalamidad lalo na ang pagbaha.
Sinabi pa ng pangulo, na ang nangyayaring pagbaha sa mga lugar na dating hindi nakakaranas ng pagbaha ay dulot ng climate change.
Para masolusyunan aniya ang isyung ito, kailangang magtayo ang gobyerno ng flood control infrastructures na mayroong maraming functions.
Matatandaang una nang bumuo ang pangulo ng Water Resources Management Office (WRMO), na ang layunin ay bumuo ng comprehensive plan para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila at mga coastal communities.
Ang WRMO ay nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tututok sa tubig, sanitation sector, epekto ng climate change, kakukulangan ng water infrastructure, pagtaas ng water demand dahil sa pagtaas ng populasyon, at and economic growth, gayundin ang regulation issues.