PAGTATAYO NG ONE BONUAN PAVILLION, HINAHANDA NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAGUPAN

Hinahanda na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang opisina ni Sen. Hontiveros ng National Government ang planong pagpapatayo ng One Bonuan Pavillon partikular sa Bonuan Tondaligan Beach sa nasabing lungsod.
Kabilang ito sa nabanggit ni Mayor Fernandez sa kanyang State of the City Address o ang SOCA na paghahanda kaugnay sa pagpapalakas ng turismo ng Dagupan City.
Alinsunod dito ay isinagawa ang area inspection sa bahagi ng lokasyong pagtatayuan ng nasabing imprastraktura kasama ang ilang kawani mula sa hanay ng Department of Environment and Natural Resources – Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO).

Samantala, kasabay nito ang pagmungkahi ng pagpapahinto sa konstruksyon ng mga illegal fencing sa nasabing bahagi ng Bonuan nang walang proper building permit ayon sa LGU Dagupan at katuwang na mga sangay ng lokal na gobyerno. |ifmnews
Facebook Comments