Nakikita bilang pangmatagalang solusyon at tulong para sa mga magsasaka ng sibuyas ang patuloy na binabantayan at binibilisan nang tapusin na Onion Cold Storage Facility sa Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang.
Sa pamamagitan ng cold storage, inaasahang mapapahaba ang shelf life ng produkto, na magbibigay sa mga magsasaka ng mas malaking kontrol sa presyo at panahon ng pagbebenta.
Kamakailan, tinalakay ng Municipal Project Management and Implementation Unit (MPMIU) ang progreso ng konstruksyon at mga hamon na nakaaapekto sa pagtatapos ng pasilidad.
Tiniyak na naaayon sa itinakdang pamantayan at iskedyul ang proyekto.
Kapag natapos, inaasahang hindi lamang nito palalakasin ang produksyon ng sibuyas sa Bayambang, kundi isa ring susi sa pagpapabuti ng kita ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










