Naihabol na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9202 o ang panukala na layong magtayo ng pagamutan para lamang sa mga OFWs at dependents nito
Nakakuha ng 180 na boto ang panukalang ini-akda ni Speaker Gloria Arroyo mula sa mga kasamahang mambabatas na layong protektahan ang kalusugan ng mga Pilipino partikular na ng mga OFWs.
Nakasaad sa panukala na panahon na para maibalik naman sa mga OFWs ang kanilang naging kontribusyon sa lipunan sa pamamagitan ng pangangalaga sa interes at kapakanan ng mga ito.
Sa ilalim ng OFW Hospital ay tinitiyak nito ang availability, accessibility at abot-kayang kalidad ng pangangalaga sa kalusugan.
Ito rin ang magsisilbing primary referral hospital para sa mga repatriated OFWs na nangangailangan ng medical assistance.
Ang Kalihim ng DOLE ang siyang itatalaga namang Chairperson ng OWWA Board upang magarantiyahan na maibibigay ang benepisyo at medical assistance tulad ng hospitalization at medical procedures na subsidized ng pamahalaan.