Pagtatayo ng PCG General Hospital, aprubado na sa ika-2 pagbasa

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na layong magtatag ng Philippine Coast Guard General Hospital.

Sa House Bill 8833 na inihain ni Malabon City Rep. Federico Sandoval, itatayo ang nasabing pagamutan na ekslusibo sa mga PCG personnel, employees, dependents at retired uniformed personnel.

Nakasaad sa panukala na ang PCG ang isa sa mga ahensya na tumutulong kapag may emergencies at disaster kaya nararapat lamang na protektahan ng estado ang kapakanan at medical needs ng mga ito.


Itatayo ang PCG General Hospital sa Coast Guard Base sa Lower Bicutan sa Taguig City.

Bukod sa komprehensibong health care services na ibibigay sa PCG personnel at sa mge dependents, tinitiyak din ng panukala na kasama ang ospital sa magbibigay ng package na nakapaloob sa health care program ng gobyerno.

Sa PCG General Hospital na rin magsasagawa ng medical examination sa lahat ng trainees ng PCG para masiguro ang kakayahang pisikal at mental.

Ang PCGGH ay pamumunuan ng Secretary of Health bilang ex-officio Chairperson, Secretary7 of Transportation bilang ex-officio Vice Chairperson at PCG Commandant, at Vice Commandant, gayundin ang Command Surgeon ng PCG Medical Services bilang mga members.

Facebook Comments