Pagtatayo ng PCG General Hospital, pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay

Pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay para maging ganap na batas ang panukala para sa pagtatayo ng Philippine Coast Guard General Hospital.

Naipadala na ang kopya ng House Bill 8833 kay Pangulong Duterte para mapirmahan.

Sa oras na maging ganap na batas, itatayo ang Philippine Coast Guard General Hospital para tugunan ang pangangailangang medikal ng mga PCG personnel, mga empleyado at dependents ng mga ito.


Bukod dito, kasama din sa mga benepisyaryo ng itatayong pagamutan ang mga PCG retirees.

Itatayo ang PCG General Hospital sa Coast Guard Base sa Lower Bicutan sa Taguig City.

Sa PCG General Hospital na rin magsasagawa ng medical examination sa lahat ng trainees ng PCG para masiguro ang kakayahang pisikal at mental.

Facebook Comments