Pagtatayo ng PCSO branches sa lahat ng probinsiya sa buong bansa, kasado na

Hindi na kinakailangan pang bumiyahe ng malayo ang mga Pilipino na nagnanais na makakuha ng medical assistance o anumang tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ito ay sa sandaling maisakatuparan na ang planong pagpapagawa ng branches o sangay ng government charity institution sa bawat 82 na probinsiya sa buong bansa.

Ayon kay PCSO Chairman Junie Cua, ito ang tugon ng ahensiya sa marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isaprayoridad at palawakin pa ang coverage ng mga pinaglilingkuran ng PCSO.


Sa kasalukuyan, ang PCSO ay mayroong kabuuang 72 branch offices at determinado si Cua na mas marami pang tanggapan ng kanilang ahensiya ang mabubuksan bago matapos ang kasalukuyan taon.

Samantala, binanggit din ni Cua na kasama sa nakalinya nilang mga programa ang ‘digitalization’ ng kanilang operasyon upang mas lalong mapadali at kombinyente sa publiko ang pagkuha ng iba’t ibang serbisyo ng PCSO.

Facebook Comments