Pagtatayo ng permanenteng evacuation centers, isinulong ng isang senador

 

Muling iginiit ni Senator Win Gatchalian ang pagtatayo ng mga permanenteng evacuation centers sa bawat munisipalidad at lungsod sa buong bansa.

 

Nakapaloob ito sa inihain ni Gatchalian na Senate Bill no. 747 na naglalayong matiyak na may ligtas, maayos at may sapat na pasilidad na mapaglalagyan sa mga ililikas tuwing may kalamidad saanmang lugar sa bansa.

 

Ang hakbang ni Gatchalian ay sa harap ng pagputok ng bulkang taal kung saan maraming residente ang inilakas sa mga bayan na nakapaligid dito.


 

Ang panukala ni Gatchalian ay tugon sa mga kinakaharap na problema sa mga evacuation centers tulad ng pagsisiksikan, hindi maayos na tulugan, kawalan ng sapat na palikuran at madalas ay hindi napapanitiling kalinisan na mahalagang proteksyon sa kalusugan.

 

Paliwanag pa ni Gatchalian, daan ang kanyang panukala para mahinto na ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation centers na dahilan para palagiang maantala ang klase ng mga mag-aaral tuwing may kalamidad o anumang trahedya.

Facebook Comments