PAGTATAYO NG RESIDENTIAL SUBDIVISION SA SAN CARLOS CITY, APROBADO NA

Aprobado na ng Sangguniang Panlungsod ang pagtatayo ng residential subdivision sa Brgy. Talang, San Carlos City.
Sa huling regular session noong Agosto, nilagdaan na ng mga mambabatas ang resolusyon na nagbibigay pahintulot sa alkalde na mag-isyu ng development permit sa mga subdivided lots sa naturang lugar.
Ang naturang permit ay kinakailangan iproseso sa Sanggunian na nakasaad sa batas upang mabigyan ng iba pang permit at clearance tulad ng locational clearance para matiyak na naaayon sa City Zoning Ordinance ang mga ipinapatayo at ibinebentang parcel ng lupa.
Matatandaan na isang insidente ng development ng lupa sa Brgy. Mabalbalino ang hindi pinayagan ng City Planning and Development Office dahil sa kakulangan ng permit.
Patuloy naman ang babala ng publiko sa mga scam na ibinebentang subdivided na lote sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments