Iminumungkahi ang pagpapatayo ng seawall sa bahagi ng Barangay Victoria hanggang Brgy. Rimos 1 sa Luna, La Union.
Layunin ng proyekto na magkaroon ng proteksyon ang komunidad sa baybayin at maisulong ang turismo nang sumusunod sa itinakdang regulasyon para sa pangangalaga ng kalikasan.
Tinalakay sa ginanap na pagpupulong ang kabuuang konsepto at saklaw ng proyekto, mga kinakailangang isaalang-alang sa kalikasan at engineering compliance upang magkaroon ng kasunduan sa implementasyon.
Iginiit din ang kahalagahan ng nagkakaisang layunin ng iba’t -ibang ahensya sa pag-angat ng ibang sektor nang hindi nakokompromiso ang kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









