Pagtatayo ng sports school, isinulong ng isang senador

Manila, Philippines – Inihain ni Sports Committee Chairman Senator Bong Go ang Senate Bill no. 397 para sa pagtatayo ng Sports Training School o paaralang huhubog sa kakayahan, galing at talento ng mga high school students sa larangan ng sports.

Tatawagin itong National Academy of Sports for High School, na itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac at may inisyal na pondo na P150 million na manggagaling sa National Treasury at sa Government Appropriations Act.

Libre ang pag-aaral dito at may allowance pang ibibigay ang gobyerno sa mga deserving students.


Magkakaroon ng best exposure sa world-class sports facilities ang mga mag-aaral at posibleng isali na sa grupo ng mga national athletes para lumaban sa international competition.

Tiniyak ni Senator Go na daan ang nabanggit na paaralan para mabigyan ng best training sa mapipiling sport ang isang estudyante dahil mga professional at retired athletes ang mga instructors nito.

Ayon kay Go, layunin ng panukala na maibalik ang pagiging “sports powerhouse” ng bansa sa Asya tulad noong dekada sitenta at otsenta kung saan palaging nakapag-uuwi ng mga medalya ang mga atletang Pinoy sa iba’t-ibang international competition, partikular sa mga Olympics.

Facebook Comments