Hinimok ni House Minority Leader Bienvenido Abante ang DPWH na isama na sa kanilang Build Build Build Program ang planong pagtatayo ng tulay na kokonekta sa Guimaras at probinsya ng Iloilo.
Bunsod na rin ito ng trahedyang sinapit kamakailan ng tatlong bangkang tumaob sa Iloilo-Guimaras strait dahil sa masamang lagay ng panahon.
Umaasa si Abante na itatayo ng DPWH sa ilalim ng programa ng pamahalaan ang Iloilo-Guimaras bridge.
Iginiit ni Abante na bukod sa maiiwasan na ang aksidente sa karagatan, mas mapapadali pa aniya ang buhay ng mga residente sa pagtawid sa dalawang probinsya para magtrabaho.
Sinabi naman ni Iloilo Representative Janette Garin na hanggang sa walang kongkretong daan na nagkokonekta sa Iloilo at Guimaras, patuloy aniyang mahiharapan ang mga residente nito sa araw-araw.
Pinangangambahan din na maulit ang trahedyang sinapit sa Iloilo-Guimaras strait kung saan 31 ang nasawi kung hindi ito bibigyang aksyon ng gobyerno.