Pagtatrabaho kasama ang komunistang grupo, nakikitang solusyon ni Environment Sec. Lopez para maabot ang kapa­yapaan sa bansa

Manila, Philippines – Ang pagtatrabaho kasama ang komunistang grupo ang nakikitang solusyon ni Environment Secretary Gina Lopez para maabot ang kapa­yapaan sa bansa.

Kumpiyansa ang kalihim na kung makakasama ang New People’s Army (NPA) sa mga trabaho sa komunidad, magiging daan ito upang magbaba na sila ng armas.

Isusulong ni Lopez ang pagtatakda ng tinatawag na mga peace zone upang makapagtrabaho nang walang pangambang magkakaroon ng bakbakan ang mga rebelde at sundalo at maging ang mga kawani ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng komunidad.


Nauna nang inihayag ni Lopez na gusto niyang makatrabaho ang mga rebelde para mapaganda ang mga komunidad sa Agusan Del Norte.

May mga personal aniya siyang kakilala na mga kilalang clergy, seminarista at mga taga-academe na dismayado sa tiwaling gobyerno.

Facebook Comments