Pagtawag ng China na “waste paper” sa 2016 arbitral award, hindi na ikinagulat ng Palasyo

Hindi na nasurpresa ang Malacañang sa panibagong pag-reject ng China sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA).

Matatandaang tinawag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian ang ruling bilang “waste paper.”

Muling sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang arbitral award ay bahagi na ng international law.


Sa pahayag naman ni Vice President Leni Robredo na kailangang magpakita ng tapang ang Pilipinas laban sa China, hindi naman tiyak si Roque kung gaanong tapang ang dapat ipakita ng bansa sa isyu.

Aniya, nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin at matapang niya itong inihayag sa United Nations General Assembly.

Facebook Comments