Pagtawag ng Pangulo kay Chief Justice Sereno na corrupt, hindi trial by publicity – palasyo

Manila, Philippines – Itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na trial by publicity ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpaparatang kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na isang tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos sabihin ng Pangulo na ang Korte Suprema ay pinamumunuan ng isang tiwaling opisyal.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, gusto lang paliwanag ng Pangulo ang mga issue at hindi ito trial by publicity.


Tiniyak din naman ni Abella na bilang isang abogado ay alam ni Pangulo ang kanyang ginagawa at tiyak na mayroon itong mga ebidensiya na magpapatunay sa kanyang pahayag na isang tiwaling opisyal si Chief Justice Sereno.

Facebook Comments