Pagtawag sa hotline 911, libre na

Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Department of Interior and Local Government (DILG) na libre na ang lahat ng tawag sa ‘Emergency 911 Hotline’ ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ay para sa mga subscriber ng PLDT, Smart, Talk ‘N Text at Sun.

Babala pa ang ahensiya sa mga prank at fraudulent caller ng hotline na huwag gamitin sa panloloko dahil maaari silang parusahan sa ilalim ng batas.


Sa ilalim ng PD 1727, lahat ng lalabag ay maaaring makulong ng hindi hihigit sa limang taon o multa ng higit sa P40,000, depende sa desisyon ng korte.

Base sa datos mula sa Emergency 911 National Office, mula Enero-Hunyo 2019, 15.29 porsyento ng kabuuang tawag na natanggap ng hotline ay mga panloloko, hoax o prank calls.

May average naman na 3,500 emergency calls ang natatanggap ng hotline kada buwan at higit kumulang 100 ang legitimate emergency calls ang natatanggap kada araw.

Facebook Comments