PAGTAWAG SA PANGASINAN 911 PARA SA EMERGENCY AT NON-EMERGENCY SITUATION, HINIKAYAT

Mabilis na natutugunan ng kinauukulan sa Pangasinan ang mga isinasangguning insidente, emerhensiya at ilan pang mga pagkakataong nangangailangan ng pagresponde sa pamamagitan ng Pangasinan 911.

Sa tala ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nanguna sa mga emergency calls ang Vehicular Accident, pangalawa ang Ambulance Assistance, pangatlo ang Amok, sinundan ng Nuisance at Residential Fire.

Sa mga non-emergency calls naman, nanguna sa higit itinatawag ang Public Assistance, sinundan ng Inquiry, Barangay Assistance, Sparking Electrical Wires at Faulty Transformer.

Samantala, muling pinaalalahanan ang publiko ukol sa wais na paggamit ng emergency hotline. Ipinanawagan ang hindi dapat pagtawag ng walang kabuluhan o ang prank calling upang iprayoridad ang mga tawag na higit nangangailangan ng pagresponde upang makapagligtas ng buhay at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments