Hirap ang bangkerong ito sa pag-kontrol ng sinasagwan nitong bangka patawid sa ilog dahil sa bahagyang mabilis na agos ng tubig sa Pantal river, kahapon.
Maging ang ilan sa motorboat drivers sa island barangays, nahirapan rin sa pagbyahe papunta ng terminal upang maghatid ng mga pasahero.
Ani ng ilang motorboat drivers, mas mahirap kung sinabayan pa ito ng patuloy na pag-uulan dahil pati pasahero basa ang abot matapos ang byahe.
Ngunit kahit masungit umano ang panahon, tuloy ang byahe ng mga maliliit na bangka at motor boat dahil bukod sa sayang ang kita, sila na lamang umano ang inaasahan ng mga residente sa island barangay para makatawid sa city proper.
Samantala, tinitiyak naman nila na hindi na itutuloy ang byahe kung sakaling lalong lumakas ang pag-uulan para sa seguridad nila at ng mga pasahero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









