Pagtaya na sa third quarter pa ng 2022 makakamit ng Pilipinas ang herd immunity, posibleng magkatotoo

Sa tingin ni Senator Imee Marcos, posibleng magkatotoo ang Oxford Economics projection na makakamit ng Pilipinas ang herd immunity sa ikatlong bahagi pa ng 2022.

Sabi ni Marcos, maswerte na kung sa ikalawang quarter ng 2022 ay makamit na natin ang herd immunity kaya kailangan tayong maging doble ingat dahil isang taon pa nating haharapin ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Marcos, pinaghuhusay at pilit pinapabilis ng mga Local Government Units (LGUs) at health workers ang pagbabakuna.


Pero diin ni Marcos, ang problema ay kulang talaga ang suplay natin ng COVID-19 vaccine, delay at hindi rin patas sa lahat ng lugar ang distribusyon ng bakuna.

Sabi ni Marcos, lahat ng ito ay magdudulot ng atrasadong pagbubukas ng mga negosyo at pagbangon ng ating ekonomiya.

Ikinakalungkot ni Marcos na ang Pilipinas ay nakikitang mapag-iiwanan sa pag-usad ng mga bansa sa Southeast Asia at iyan ay dahil aniya sa pagkakamali o kahinaan ng ating pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments