Mariing kinondena ng Grupong WagGas ang patuloy na pagtatayo ng liquefied petroleum gas ng Japan sa Batangas.
Ito’y dahil umano sa masamang epekto nito sa kalikasan.
Ayon kay Ka Leody de Guzman, dapat nang tigilan ng Japan government ang negosyo nito ng liquefied natural gas sa ating bansa o saan mang panig ng mundo dahil ang liquefied natural gas ay maruming pinagkukuhanan ng enerhiya at pumipinsala sa ating kapaligiran.
Aniya, nagdaragdag lamang ito ng init na nakakaapekto sa nagpapatuloy na global warming sa mundo.
Dapat din umanong pangatawanan ng Japan ang commitment sa bansa na sila ay tatalima sa paggamit ng renewable energy upang protektahan ang ating kalikasan.
Sa huli, binigyang diin ng grupo na kabaligtaran ang ginagawa ng Japan dahil mas iniisip lamang ng mga ito ang kanilang kinikita kaysa isipin ang kalagayang nararanasan ngayon ng bansa dahil sa banta pa rin ng El Niño phenomenon.