Pagtestigo ni Benhur Luy sa bail motion ng dating Chief of Staff ni Senator Enrile, tinapos na ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Tinapos na ng Sandiganbayan 3rd Division ang pagtestigo ni Benhur Luy sa motion to bail ng dating Chief of Staff ni Senator Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes kaugnay pa rin sa maanomalyang paggamit ng pork barrel scam.

Sa testimonya ni Luy laban kay Reyes, tumanggap ang dating COS ng P1.8 Million na komisyon noong 2008 sa PDAF transaction ni Enrile at ni Janet Lim-Napoles.

Iginiit din ni Luy na noong 2010 ay iniutos ni Napoles kay John Raymond De Asis, isa sa mga kinatawan ng NGO ni Napoles, na dalhin ang P3O Million na komisyon ni Enrile sa bahay ni Reyes sa La Vista Quezon City.


Subalit inamin naman ni Luy na hindi niya nasaksihan ang naganap na dalawang insidente ng transaksyon.

Dedesisyunan na rin ng korte kung papayagan bang magpyansa si Reyes.

Facebook Comments