Pagtigil sa pagbili at pag-deliver ng mga bakuna ng Sinovac at Sinopharm, hiniling ng Davao City sa IATF

Naglabas ng resolusyon ang Davao City para hilingan sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa itigil muna ang pagbili at pag-deliver ng mga bakuna ng China na Sinovac at Sinopharm.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa halip na mga bakunang gawa sa China, mga Western brand ng bakuna katulad ng Pfizer at Moderna na lamang ang ipadala sa Davao City.

Mababa kasi ang acceptance rate o pagtanggap ng mga residente sa lungsod sa mga bakuna ng China na nagresulta ng pagbagal din ng vaccination rollout.


Sa ngayon, nanawagan si Mayor Sara sa mga taga-Davao na huwag nang mamili ng brand ng bakuna.

Facebook Comments