Hindi pa napapanahon para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na tanggalin na o ipatigil ang paggamit ng face shield.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na pangunahing dahilan nito ay hindi pa nakakalaya mula sa COVID-19 pandemic ang bansa.
Ikalawa, hindi pa aniya nararating ng bansa ang population protection.
Paliwanag pa ni Malaya, ang pagsusuot ng mask, face shield at social distancing ay proteksyon mula sa virus.
Kung aalisin aniya ang face shield, kailangang may kapalit itong ibang proteksyon at ito ay ang bakuna.
Pero sa ngayon ay nasa higit limang milyong mga Pilipino pa lamang aniya ang nababakunahan.
Dahil dito, kinakailangan aniyang pag-aralan munang maigi ang mungkahing ito ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno.