Pagtitinda ng junk foods at sugary drinks sa mga paaralan, nais ipagbawal ng isang senador

Ipinasasabatas ni Senator Lito Lapid ang tuluyang pagbabawal sa mga paaralan ng pagtitinda ng junk foods at mga matatamis na inumin.

Sa Senate Bill 1231 ni Lapid, layunin nitong magtatag ng Healthy Food and Beverage Program na layong ipagbawal ang pagtitinda, pamamahagi at promosyon ng junk foods at sugary drinks sa loob ng mga eskwelahan at sa mga tindahan na may 100 metro ang layo mula sa mga paaralan.

Sa oras na maging ganap na batas, ito ay ipatutupad sa lahat ng elementary at secondary schools.


Itinutulak din sa panukala ang malusog at wastong pagkain sa mga learners, guro at mga non-teaching personnel.

Binigyang diin ni Lapid na ang malusog na pagkain ay may mahalagang papel sa learning at cognitive development ng mga estudyante lalo pa at sa ilang mga pag-aaral ay nakitaan na ang mga estudyanteng walang nakakain na sapat na nutrisyon ay hirap na matuto, mababa ang mga nakukuhang marka at ang ilan ay napipilitang huminto sa pag-aaral.

Facebook Comments