Pagtitipid ng PCSO sa confidential funds nito, pinuna ng isang kongresista

Pinuna ni Surigao del Norte Representative Ace Barbers ang pagtitipid ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa confidential funds para gamitin sa pagsawata ng illegal gambling activities sa bansa.

Pahayag ito ni Barbers makaraang lumabas sa pagbusisi ng House Appropriations Committee sa 2024 proposed budget ng PCSO na P25 million pa lang ang nagagastos nito sa P100 million na confidential funds ngayong 2023.

Paliwanag naman ni PCSO Assistant General Manager Lauro Patiag, wala silang kapangyarihan na hulihin ang mga sangkot sa jueteng at bookies kaya nakikipag-ugnayan na lang sila sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation.


Facebook Comments