Inatasan ng liderato ng Kamara ang lahat ng departamento nito na maging matipid o magpatupad ng “auterity measures” kaugnay sa selebrasyon ng kapaskuhan.
Nakasaad ito sa isang memorandum na inilabas ni House Secretary General bilang pakikiisa sa panawagan ng Office of the President na maging sensitibo at makisimpatya sa mga kababayan nating biktima ng magkakasunod na pananalasa ng mga bagyo sa bansa.
Sa memorandum ay hinihikayat ni Velasco ang lahat ng mga tanggapan at mga empleyado sa Kamara na lumahok sa pagbibigay ng tulong o donasyon sa iba’t ibang organisasyon para sa mga tinamaan ng kalamidad.
Binigyang diin ni Secretary General Velasco na pairalin ang totoong diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong na siyang sandigan ng paglilingkod sa mamamayan.