PAGTITIPID SA KONSUMO NG KURYENTE, HINIKAYAT NG MGA ELECTRIC SERVICE PROVIDER SA PANGASINAN

Hinikayat ng mga electric service provider sa Pangasinan ang publiko na magtipid sa konsumo ng kuryente kasunod ng panawagan ng National Electrification Administration dahil sa posibleng epekto ng tumataas na tensyon sa Middle East sa suplay at presyo ng enerhiya.

Ayon sa Pangasinan I Electric Cooperative, maaaring makaapekto sa gastos sa paglikha ng kuryente ang paggalaw ng presyo ng langis sa world market, kaya mahalaga ang pagtutulungan ng bawat konsyumer upang mapanatiling matatag ang suplay.

Kabilang sa mga inirerekomendang hakbang ang paggamit ng LED bulbs, pagtatakda ng aircon sa 24 hanggang 26 degrees Celsius, pag-unplug ng appliances kapag hindi ginagamit, at paggamit ng natural na liwanag at bentilasyon.

Ayon sa kooperatiba, malaki ang maitutulong ng simpleng pagtitipid ng bawat bahay upang makontrol ang gastusin at matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng nakaambang krisis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments